MAGALAWA ISLAND

Ang magalawa island ay kilala sa buong zambales dahil sa maganda nitong tanawin at white sand din ,marami na ding mga kilalang artista ang nakapunta dito.

Marami itong coral reefs at masarap maligo dito dahil sa malinis nitong tubig ,malalaki din ang mga cottage dito at makakalanghap ng malamig at sariwang hangin.

Maganda rin manood ng sunset at sunrise.

POTIPOT ISLAND

Napakagandang puntahan ang POTIPOT ISLAND bukod sa magagandang tanawin dto marami ding dumadayo dto tulad ng mga artista malamig tubig na liliguan dto at marami din cottage na pedeng retahan malayo ito dahil tatawid pa ng dagat dahil isla ito kaya safety ang kailangan nakakaamaze ang tanawin dto marami din silang activity na inooffer dto kaya puntahan nyo na! with sand din ito!

#lovetheview

BAGSIT RIVER

Maganda ang Bagsit River pero bago makarating doon dadaanan muna ang barangay nito ang barangay salaza at kakanan pag nakita ang zameco I at madadaanan ang sitio Manggahan bago makarating sa sitio ng Dampay na kung saan don makikita ang Bagsit River.

Magandang puntahan dito dahil kahit na malayo ay sulit naman at malinis ang tubig.Malamig ang tubig at malalim.

D-FARM

Ito ang lugar na kung saan dinadayo pa ito ng mga torista kahit malayo ito makikita o matatagpuan nyo ito sa Masinloc Zambales masarap maligo dto puro pool ang liliguan nyo dto masarap maligo dto kapag kasama mo ang buong pamilya nyo mas sikat ang lugar na ito kapag may mga ukasyong magaganap maraming ding pagpipiliang pool ang pede nyong liguan may private na pool pedeng pede din mag overnight may mga magagandang tanawin ang makikita nyo dto siyempre may mga cattage na pede nyong pagsilungan.

TORES

Ito ang isa sa mga magagandang ilog ng SITIO DAPLA ng Salaza,Palauig,Zambales malamig ang tubig dito dahil nanggagaling ang tubig nito sa bundok malapit lang ang dapla sa bundok.Medyo malayo nga lang ang lalakarin dito pero sa mga dadaanan dito maraming mga magagandang tanawin ang matatanaw dito katulad na lamang ng kabundukan na makikita dito.Ang Tores din ang isa sa mga kinahihiligan puntahan ng mga tao dito tuwing summer masarap din liguan ang Tores dahil malalim ang tubig neto.

love it ganda ng view
#LOVE THE NATURE
ang linis ng tubig malamig pa!
kaya dapat nating alagaan ang ating kalikasan

“Simulan nting mahalin ang ating kalikasan dahil tayo din ang makikinabang dito nakikita ang tunay na ganda ng mga ito kapag naaalagaan natin ito ng maayos biniyayaan tayo ng DIYOS ng kalikasan para mahalin ntin at hindi dapat natin inaabuso”

DAM

Makikita sa picture na napakalinis talaga ng tubig at kung susubukang maligo dito ay malamig ng tubig at gugustuhin nalang na manatili sa tubig.Pwede rin mag-outing ang mag babarkada,mag papamilya ,magandang dito mag bonding kahit na malayo sulit naman ang punta dahil sa malinis nitong tubig.

At pwede ring mag over night .Marami namang space para mag tayo ng tent.

Makakapag relax ang utak na puno nang stress,at ang pusong puno ng hinanakit.Dito natin malilimutan ang mga taong walang ginawa kundi ang saktan tayo.dito natin mailalabas ang mga reklamo natin sa pamilya at kung sino pa mang tao na espesyal sa atin noon.At dito tayo makakapag isip kung ano ba dapat ang tamang gawin o sa hindi tama.

Ang pagsubok ay kasama na natin sa pag gising natin sa araw-araw,kaya tayo humahanap ng tamang lugar kung saan natin mailalabas ang ating mga problema sa buhay,at isa na sa mga lugar na yon ang DAM.

ILOG NG KATORSE

Matatagpuan ang ilog ng katorse sa masiloc,makikita ito sa daan pa lang kaya mahihikayat talagang huminto para lang maligo. Maganda rin dito para mag outing at mamasyal dahil sa maganda nitong view.

maganda at malinis ang tubig:)

Malinis ang paligid at makakalanghap ng sariwang hangin.Dito mo mararamdaman na free ka at malaya ka.

#lovetheview?

Pwedeng mag piknik at pwede ring mag tambay dito . pwede rin mag highking dito dahil ang nakapaligid dito ay mga bundok,kaya marami ang magagawang activity,actually ang lugar na ito ay nasa gitna ng bundok dahil kahit na sa daan palang ay bundok na lahat ang makikita .Kaya nga maswerte ang mga nakatira dito dahil meron silang magagandang pwede pagliguan at malayo ito sa siyudad.Kahit pangit ang daan ay sulit ang punta dahil sa maganda nitong tanawin.

ISLA VISTA

Ito ang ISLA VISTA napakaganda malayo nga lang nasa bandang CANDELARIA lampas ito ng masinloc at magaganda ang mga tanawin dito kalapit lang neto ang POTIPOT ISLAND sulit naman ang byahe mo dahil masarap maligo dito may swimming pool at dagat na pede mong liguan pede rin dito mag over night at siyempre malamig ang simoy ng hangin ang malalanghap mo dito. Kaya puntahan nyo na!.

Nagtitinda rin sila ng ”KEY CHAINS” para maging remembrace ng mga taong nagpupunta dto .

KIDS POOL(happy sunshine camp)

Ang KIDS POOL o mas kilalang HAPPY SUNSHINE CAMP, ay matatagpuan sa coto masinloc marami ang nagpupunta dito dahil sa malamig at malinis nitong tubig.At dito rin nag shoshooting ang mga kilalang mga artista.

Masaya maligo at mamasyal sa HAPPY SUNSHINE CAMP kapag kasama ang buong barkada at pamilya.

Okay din pumunta kung may problema dahil makakalimutan at makakapag isip kahit sandali .At makakapag relax ng utak kahit saglit lang.

PAWO

Ito ang PAWO malayo ito matatagpuan ito sa Santa Marta sa kadulo duluhan neto.Nang pumunta kami dito sobrang layo nito at ang pede mo lang dapat sakyan malalaking sasakyan pede din nmn ang motor kaso nga lang masisira ito dahil puro batong malalaki ang dadaanan dito . Habang nagbibyahe may mga magagandang tanawin nmn ang makikita dito makikita mo dito ang mga ilog sa baba ng pawo sobrang layo pero kapag nakarating na mapapawi nmn ang pagod mo sa sobrang ganda nito malamig din ang tubig dito at maraming puno ang nakapalibot dito may mga malalaking bato na pede pagtalunan dito malalim din ang tubig dito sobra at ang tubig nito ay nanggagaling sa bundok . Pero sasakit ang katawan mo pagkauwi parang kang naghiking!.

Design a site like this with WordPress.com
Get started