Makikita sa picture na napakalinis talaga ng tubig at kung susubukang maligo dito ay malamig ng tubig at gugustuhin nalang na manatili sa tubig.Pwede rin mag-outing ang mag babarkada,mag papamilya ,magandang dito mag bonding kahit na malayo sulit naman ang punta dahil sa malinis nitong tubig.

At pwede ring mag over night .Marami namang space para mag tayo ng tent.

Makakapag relax ang utak na puno nang stress,at ang pusong puno ng hinanakit.Dito natin malilimutan ang mga taong walang ginawa kundi ang saktan tayo.dito natin mailalabas ang mga reklamo natin sa pamilya at kung sino pa mang tao na espesyal sa atin noon.At dito tayo makakapag isip kung ano ba dapat ang tamang gawin o sa hindi tama.
Ang pagsubok ay kasama na natin sa pag gising natin sa araw-araw,kaya tayo humahanap ng tamang lugar kung saan natin mailalabas ang ating mga problema sa buhay,at isa na sa mga lugar na yon ang DAM.